#PakCheck everything!

Bawal fake news

Ang #PakCheck ay ang fact-checking initiative ng e-Boto na naglalayong labanan and pagkalat ng misinformation online. Ang e-Boto ay kabilang sa alyansa ng mga fact-checking organizations sa pangunguna ng

Ang Hatol: Fake News

FALSE: ‘New Government Organization’ daw ang Angat Buhay NGO ni VP Leni Robredo?

Matapos ianunsyo ni Vice President Leni Robredo sa kanyang “pasasalamat rally” noong Mayo 13 na bubuo ito ng “Angat Buhay NGO,” kumalat sa social media ang isang Youtube video na inihahalintulad ang NGO na ito bilang isang “sariling gobyerno.” Kaakibat nito ang isang deleted Twitter post na nagsasabing isang rebelde at subersibo si Robredo dahil isang “alternate government” umano ang NGO nito. Ito ay walang katotohanan.

Salungat sa mga ito, hindi “New Government Organization” ang Angat Buhay NGO na ilulunsad ni Vice President Leni Robredo, kundi isang Non-Governmental Organization. Ayon sa Cambridge Dictionary, ang Non-Governmental Organization ay isang civic organization na may isang “social or political mission” na hindi kontrolado ng gobyerno.

Sumulpot rin ang isang kahina-hinalang Twitter account na ‘Angat Buhay New Government’ na may handle na ‘@NewGovOrgABF’ na ipinupuntong New Government Organization ang Angat Buhay. Kinundena ito ng kampo ng Bise Presidente.

“Hindi po konektado sa Office of the Vice President o kay VP Leni Robredo ang Twitter account na ‘Angat Buhay New Government o @NewGovOrgABF,” ika ni Robredo. “Wala pong katotohanan ang mga lumalabas sa account na ito, na ang malinaw na layunin ay manlinlang at magpakalat ng maling impormasyon,” dagdag niya.

Ang Angat Buhay NGO ay mula sa plataporma ng Angat Buhay Program ng OVP. Ayon sa official website nito, ang Angat Buhay ay isang programa na naglalayong aksyunan ang kahirapan sa bansa. Sabi dito, “The OVP reaches out to these areas by working with partners in providing interventions and mobilizing support through six key advocacy areas: food security and nutrition, universal healthcare, public education, rural development, housing and resettlement, and women empowerment.”


SOURCES
[1] https://www.youtube.com/watch?v=4UWkPTzTvgk&ab_channel=ManilaBulletinOnline
[2] https://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/english/ngo
[3] https://newsinfo.inquirer.net/1599305/robredo-warns-angat-buhay-new-government-newgovorgabf-not-connected-to-ovp
[4] https://ovp.gov.ph/angat-buhay.html

Wanna help us keep it real? JOIN US!

Volunteers will undergo screening and evaluation. At dahil bawal ang fake news dito, we make sure all the information submitted and published on this website has been thoroughly reviewed and validated.

Masaya kaming ka-bonding…lalo na sa fact-checking! Contact us kung may mapapansin kang impormasyon na sa tingin mo ay kulang o mali. Please note, however, that the information you’ll provide is still subject to verification and approval.