#PakCheck everything!

Bawal fake news

Ang #PakCheck ay ang fact-checking initiative ng e-Boto na naglalayong labanan and pagkalat ng misinformation online. Ang e-Boto ay kabilang sa alyansa ng mga fact-checking organizations sa pangunguna ng

Ang Hatol: Fake News

FALSE: Sina Marcos at Pangulong Duterte lang daw ang tumulong sa mga biktima ng Yolanda at mga sakuna sa Leyte?

ANG HATOL: FALSE

Ayon sa isang Facebook video, sina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos at dating alkalde ng Davao na si President Rodrigo Duterte lang daw ang pumunta sa Leyte noong panahon ng bagyong Yolanda. Dagdag pa rito ang isang Facebook post ni Richard Gomez, kasalukuyang alkalde ng Ormoc, Leyte, na si Marcos lamang ang kandidatong tumulong sa Ormoc sa panahon ng mga sakuna. Ito ay walang katotohanan. May naitalang disaster relief aid ang mga kandidatong sina Manny Pacquiao at Leni Robredo sa Leyte, at maraming mga personalidad, organisasyon, ahensya, at celebrities ang tumulong sa mga biktima ng Yolanda.

Matapos ang bagyong Yolanda noong 2013 ay nagpaabot ng tulong ang iba’t ibang mga pulitiko, personalidad, at maging mga celebrities tulad nina Vilma Santos, Ralph Recto, Joseph Estrada,  at dating senador na si Manny Villar. Dagdag pa rito ang tulong pinansyal ng mahigit 60 na bansa at ilang mga organisasyon tulad ng Asian Development Bank, European Union, Organization of Islamic Cooperation, United Nations, at World Bank. Ilang mga lokal at international na personalidad din ang bumisita sa mga biktima.[1]

Noong 2013, si Pacquiao ay nag-abot ng P2.5-M bilang tulong sa Tacloban[2] at P1.5-M naman sa Ormoc.[3] Bumisita rin ito sa mga evacuation center at mga biktima.[4] Noong 2017, si Robredo naman bilang Bise Presidente, ay nag-organisa ng pagpapadala ng shelter materials at psychosocial services sa mga biktima ng lindol sa Leyte noong 2017.[5] Noong 2021 naman, nag-organisa ang volunteers ni Robredo ng relief packs para sa mga biktima ng bagyong Odette. Bago pa man dumating ang Odette, binantayan din nito ang pagdating ng bagyo sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na gobyerno ng mga masasalantang rehiyon.[6]

Bukod sa presidential aspirants, may ilang mga tampok na personalidad at celebrities din ang nagpaabot ng tulong at suporta para sa mga taga-Leyte noong Yolanda.[7] Maging si Kris Aquino, kapatid ng dating Pangulong Benigno Aquino III, ay nagbigay ng P400,000 na tulong pinansiyal sa Ormoc para sa Yolanda victims sa pamamagitan ng kaniyang kaibigan na si Ormoc Rep. Lucy Torres-Gomez, asawa ni Richard Gomez. Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Gomez si Aquino sa tulong pinansiyal nito.[8]


SOURCES

[1] https://newsinfo.inquirer.net/550495/politicians-send-aid-to-yolanda-survivors 

[2] https://news.abs-cbn.com/sports/12/01/13/pacquiao-donates-p25m-tacloban 

[3] https://sports.inquirer.net/135871/pacquiao-to-have-simple-birthday-celebration-with-1000-guests

[4] https://newsinfo.inquirer.net/539069/pacquiao-brings-momentary-cheer-to-yolanda-survivors-in-tacloban

[5] https://www.rappler.com/nation/175277-office-vice-president-robredo-shelter-materials-july-2017-leyte-earthquake/

[6] https://newsinfo.inquirer.net/1528484/robredo-in-touch-with-lgus-on-typhoon-odettes-path-how-can-we-help 

[7] https://news.abs-cbn.com/entertainment/11/11/13/how-celebrities-are-helping-typhoon-victims 

[8] https://www.instagram.com/p/gfYx7bgs9Y/



Wanna help us keep it real? JOIN US!

Volunteers will undergo screening and evaluation. At dahil bawal ang fake news dito, we make sure all the information submitted and published on this website has been thoroughly reviewed and validated.

Masaya kaming ka-bonding…lalo na sa fact-checking! Contact us kung may mapapansin kang impormasyon na sa tingin mo ay kulang o mali. Please note, however, that the information you’ll provide is still subject to verification and approval.