Isang netizen ang nagpost ng isang tweet kung saan isinasaad ang kanyang dismaya sa “Angat Buhay Foundation” (@angatbuhayph) na nagsasabing “WARNING TO TOURISTS: ITS NO FUN HERE IN THE PHILIPPINES DO NOT VISIT!”
Ang claim na ito ay FALSE dahil ang Twitter account na @angatbuhayph ay hindi ang opisyal na Twitter account ng Angat Buhay NGO. Sa pagsusulat ng Pak Check na ito, hindi pa nailulunsad ang kahit anong opisyal na social media ang NGO.
Ayon sa kampo ni VP Leni Robredo, ang organisasyon na ito ay ilulunsad ngayong Hulyo. Sa kanyang thanksgiving event para pasalamatan ang supporters at volunteers ng kampanya ng Leni-Kiko tandem noong nakaraang eleksyon, isinaad ni Robredo na “[Sa] unang araw ng Hulyo, ilulunsad ang Angat Buhay NGO. Bubuuin ang pinakamalawak na volunteer center sa kasaysayan ng bansa.”
Ang programang Angat Buhay ni VP Leni Robredo ng Office of the Vice President ay gagawing NGO para ipagpatuloy ang pagtulong sa mga Pilipinong nangangailangan. Ayon sa opisyal na website ng OVP, ang Angat Buhay ay isang programa na ang layunin ay magkaisa ang pampubliko at mga pribadong sektor upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga pamilya sa mga pinakamalalayong lugar sa bansa at mga nasa laylayan.
Ang Angat Buhay ay nagbibigay ng mga intervention at tulong sa pamamagitan ng anim na advocacy areas: food security and nutrition, universal healthcare, public education, rural development, housing and resettlement, at women empowerment.
SOURCES
[1] https://www.cnnphilippines.com/news/2022/5/13/Robredo-Angat-Buhay-NGO-in-July.html
[2] https://ovp.gov.ph/angat-buhay.html