#PakCheck everything!

Bawal fake news

Ang #PakCheck ay ang fact-checking initiative ng e-Boto na naglalayong labanan and pagkalat ng misinformation online. Ang e-Boto ay kabilang sa alyansa ng mga fact-checking organizations sa pangunguna ng

Ang Hatol: No Basis

NO BASIS: P6-8 Million daw ang ginastos para sa Leni-Kiko Cavite sortie noong Marso 4?

#PakCheck: P6-8 Million daw ang ginastos para sa Leni-Kiko Cavite sortie noong Marso 4?

ANG HATOL: NO BASIS

Ayon kay Cavite 7th District Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla sa isang interview with DZRH noong Marso 5, 2022, malaki umano ang nagastos sa pag-oorganisa ng Leni-Kiko sortie sa Cavite, “Kagabi ginastusan nila ‘yun, siguro mahina-hina ‘yung mga anim hanggang walong milyon. Kasi nga desperado na. Kasi ang survey sa Cavite, 64-15…” [1]

Ngunit walang nabigay na ebidensya si Remulla para suportahan ang statement niya. Wala ring isinaad na ebidensya si Remulla tungkol sa isa pa niyang pahayag na binayaran ng 500 pesos ang mga umattend ng rally na ito. Isinaad ng isang Cavite board member na si Kerby Salazar at ng Robredo People’s Council na: Ang pakikilahok sa nasabing rally ay bunga ng nag-uumapaw na paghahangad ng mga Caviteño para sa pagbabago. Ito ay purong “bolunterismo” – walang hinihinging kabayaran at kapalit kundi ang pag-asang maibabalik ang matino, mahusay at may resibong pamamahala sa bayan…” [2]

Idinagdag din ni Remulla na ang mga students na dumalo ng Cavite sortie ay mukhang mga aktibista, “Ang dami nilang mga estudyante, mukhang mga aktibista… Kaliwa, mga trained ng NDF (National Democratic Front)… May dalang mga bandera pero pink” [1]Ang  paratang din na ito ay walang basehan dahil walang nasabing ebidensya si Remulla tungkol dito. 



SOURCES

[1] https://newsinfo.inquirer.net/1564109/boying-remulla-claims-attendees-of-campaign-rally-in-general-trias-were-paid-p500-each 

[2] https://www.facebook.com/onecaviteofficialpage/posts/una-walang-hinakot-at-binayaran-ng-p-500-kapalit-ang-paglahok-sa-nasabing-rallya/513765320157101/



Wanna help us keep it real? JOIN US!

Volunteers will undergo screening and evaluation. At dahil bawal ang fake news dito, we make sure all the information submitted and published on this website has been thoroughly reviewed and validated.

Masaya kaming ka-bonding…lalo na sa fact-checking! Contact us kung may mapapansin kang impormasyon na sa tingin mo ay kulang o mali. Please note, however, that the information you’ll provide is still subject to verification and approval.